Gabay sa Internet Marketing Para sa Filipino
(INTERNET MARKETING GUIDE FOR THE FILIPINO)
CHAPTER 1:
Pagbubukas ng Pinto ng IM sa Filipino
(THE OPENING OF THE DOOR OF IM FOR THE FILIPINO)
Salamat sa iyong pag-download nito!
Ako po si Jayson Guevarra, isang Filipino na nagnanais magbahagi ng aking natutunan at
karanasan tungkol sa IM. Tinatawag din akong sonjay ng mga taong malapit sa akin.
Ito ay isang LIBRENG EBOOK. FREE. Kung nagbayad ka bago mo ito mabasa, naloko ka.
Mahigit-kumulang 30 pages din ang ebook na ito. Kung wala ka palang oras pag-aralan ang mga
narito, okay lang. May isang madaling paraan para kumita ka (online) gamit ang free ebook na ito,
at matatagpuan ito sa Chapter 6.
Ang paraan ng pagkakasulat ng ebook na ito ay tatawagin kong "Conversational Filipino". Ito ay
ang paggamit ng pinagsamang Filipino at English language, hindi Tag-lish ang intensyon ko, pero
mas importante sa akin na makilala ninyo ako bilang totoong tao, totoong Filipino, at hindi isang
nilalang o entity na hindi ninyo maiintindihan.
Ang paraan din ng pagkakasulat nito ay sa pag-aakalang pamilyar ang mambabasa sa mga "terms"
na pinakamadalas gamitin sa Internet at Computer.
Home-based business, online business, Internet business, freelance job... anuman ang ginagawa
mo, basta kumikita ka ng pera gamit ang Internet nang tuwiran, ikaw ay kabilang sa malaki at
lumalaki pang Internet Marketing Industry. Halimbawa nito ay iyong nasa Business Process
Outsourcing Companies -kahit na ikaw ay narito sa sarili mong bansa at may maituturing na
"traditional/regular job", dahil sa ang hanapbuhay mo ay kailangang makipag-ugnayan sa mga tao
sa pamamagitan ng Internet, sa totoo lang ay bahagi ka ng Industriya.
Matindi ang iba pang mga konsepto na matatagpuan sa ebook na ito, pero hangga't maaari ay
pinasimple ko na lamang para mas mabilis maintindihan at masundan.
Sa Chapter 2 ay maipapaliwanag ang mga dahilan kung paanong halos handang-handa naman na
ang Kulturang Filipino para mamayagpag sa IM. Sa Chapter 3 ay ilalahad ko ang iba't-ibang
Online Business Models na maaaring pagpilian upang simulan ang isang masaganang IM career.
Babala: ang mga nakapaloob dito ay tiyak na babago sa iyong mga pananaw tungkol sa paggamit
ng Internet. At hangad ko na maging matagumpay ka gamit ang sistema na matututunan mo mula
sa ebook na ito!
Okey, simulan na n
CHAPTER 2:
Ang Kailangan ng Bawat Filipino Internet Marketer
(WHAT EVERY FILIPINO INTERNET MARKETER NEEDS)
Ang pangunahing intensyon ng paglunsad ng Internet ay upang mapadali ang pag-uugnay ng mga
tao, kahit nasaan man sa mundo ang bawat isa. Kahit sa larangan ng Internet Marketing o IM, ito
ang kikilalanin nating prinsipyo.
Ang ugnayan o pagbubuo ng matagalang relasyon ang siyang dapat maging pangunahing tuon mo
o umubos ng iyong oras sa iyong IM career! Kaya nga may nagsasabi na hindi mo kailangan ng
mahusay na talentong may kinalaman sa computers, para lang kumita sa Internet. Kung
naiintindihan mo na ito, maaaring laktawan mo na ang buong Chapter 2 at dumako ka na sa
Pero kung gusto mong malinawan ka pa, naririto ang mahuhusay na paraan para magawa ito sa
mas maikling panahon. Hati-hatiin natin sa mga tanong.
Mas madalas kasi, kesa hindi, nahihirapan ang mga tao na kumilos kung walang gagabay o
magsisilbing mentor, kahit anumang gawain ang pag-usapan. Kahit pa nga tiyak tayo na may
pagkakakitaan sa Internet sa kahit anong "niche", nagiging pabigat sa atin ang kawalan ng
direksyon.
*******************
Niche (ang pagbasa ay parang "nicht") ang siyang tawag sa audience o target market na
merong tukoy na kahingian. Halimbawa, ang mga taong interesado sa "cross-stitching" at mga
taong interesado sa "dog training" ay magkaibang niches. Sa pagsisimula ng online business,
makakatulong din na pumili ka ng niche na comfortable sayo.
*******************
Kaya nga ito ang unang-unang tanong na dapat sagutin ng Filipino na nagnanais makibahagi sa
"promises of the online world".
Sino ang Magtuturo sa Akin?
Kailangan natin ng isang gabay. Kailangan natin ng tatayong tagapagturo natin. O kaya naman ay,
kailangan natin ang isang tao na may karanasan at makakapagbigay sa atin ng impormasyon bago
pa man tayo magpasya, lalo sa isang bagay na maaaring mag-iba ng ating buhay tulad ng IM.
Isa itong dahilan kung bakit binuo ko ang aklat na ito. Nais ko sanang maituring ako bilang gabay,
bilang mentor, bilang coach.
Una, hindi ko sinasabing napakahusay ko o matagumpay na ako sa larangan ng IM. Hindi naman
ito tungkol sa akin. Mas maraming tao diyan na mas malaki ang kinikita kesa sa akin sa
pamamagitan ng Internet. Ang tanong ko lang, sino sa kanila ang handang maging gabay o
magbahagi ng kanilang kaalaman sa iba, lalo sa kapwa-Filipino? Ngayon, palagay ko ay marami
namang Filipino na handa namang magbahagi ng kanilang sarili, pero hanggang sa ngayon ay wala
akong makitang aklat katulad ng ginawa kong ito.
Sa totoo lang, mas makabubuti sa iyo kung ikaw ang may-ari ng ebook na ito.
Kung ikaw ay isa sa mga naniniwala sa prinsipyo ng pagtulong sa kapwa, may nakalaan akong
paraan para magawa mo ito sa pamamagitan ng ebook din na ito. Ang buong detalye ay nasa
Chapter 6.
Ikalawa, hindi ko rin sinasabing kung wala kang coach o mentor sa IM Industry ay hindi ka
magiging matagumpay. Sa totoo lang, maraming tao ang nagsimula ng kanilang IM career na
walang nagtuturo sa kanila. Pero napakakaunti ng mga nagtagumpay (siyempre, meron pa rin), na
nagsasabing walang nagturo sa kanila. Sa mga walang nagturo, kinikilala nilang
napakamasalimuot nang pinagdaanan nila bago sila nakapagtagumpay, maraming nasayang na
panahon at pera bago nila makuha ang kanilang nais. At ito ang gusto nating bawasan o iwasan
hangga't maaari, diba?
Kahit naman sa totoong buhay, maraming nagiging madali dahil may nagtuturo. Meron tayong
teachers sa paaralan. Malaking percent ng mga Filipino ang tinatayang hindi makatutuntong sa
high school man lang o makakapagtapos nang kolehiyo, pero nagsisikap pa rin tayong
makapag-aral. Ang pagkatuto ay walang katumbas, 'ika nga.
Ang paborito kong halimbawa ay sa basketball. Si Michael Jordan at si Kobe Bryant ay merong
coach sa katauhan ni Phil Jackson. Ang crowd-favorite na Ginebra sa local scene ay may
maalamat na mentor sa katauhan ni dating Senator Robert Jaworski.
Hindi rin naman ito tungkol sa kung sino ako, paalala ko lang. Ang importante dito ay magkaroon
tayong mga Filipino ng pagkakataong magdagdag ng pagpipilian. Isang reference book nung nasa
college pa ako ang nagbigay ng ganitong definition sa "Development":
*******************
"Development is a process by which people, as individuals and as groups, are being able to
expand their ability to choose."
-Todaro and Smith
*******************
Karagdagan ng mapagpipilian na maaaring pagkakitaan nang legal, ang siyang alok ko.
Sino ba ako at bakit ko ginagawa ito?
Narito ang maikling kwento nang pagkakapadpad ko sa online world. Sa aking paghahanap ng
trabaho, napansin kong ang karamihan ng iniaalok ngayon sa mga nagtatapos ng kolehiyo (mula
pa noong early 2000's) ay nakapatungkol sa paggamit ng Computer at Internet.
Mga halimbawa mula sa aking karanasan:
Nagtrabaho ako bilang Data Security (Researcher) para sa isang Political Party. Pumasok ako sa
Call Center (isang BPO).
Dahil mahilig akong magsulat noon pa man, pinagkakakitaan ko simula pa taong 2003 ang
pagiging freelance writer. Naging fulltime Online Freelancer naman ako nang ikasal ako ng 2008.
Ang huling alok sa akin ay maging Assistant Trainer para sa isang Government-funded project.
Ang gawain dito: turuan ang mga Government employees na 30 years old at pataas, tungkol sa
paggamit ng Computer, pag-access ng Internet at makagawa man lang ng Email Address!
May kaibigan akong nagbanggit sa akin ng isang kumpanya na may magandang track record daw
para sa online freelancers. At dito ko natuklasan ang napakalawak na market para sa mga
kumikita online. Oo, sobrang dami ng kakumpetensiya, dahil may nakapagbanggit pa nga sa akin
na may nagbibitiw na ng regular na trabaho nila (mga Filipino) para lang tumutok sa online jobs!
Pero bakit pinipili na ng dumaraming Filipino ang kumita online? Dahil totoong may pera sa
Internet. Isa pa, dahil may matitinding katangian tayong mga Filipino na angat sa iba.
At ang katangian natin ay higit pa sa kakayahang magsalita, makaunawa at makapagsulat ng
English. Maya-maya lang ay ilalahad ko na rin ito sa iyo.
Pero sa ngayon ay magkasundo tayo: huwag mo na akong ituring na mentor kung ayaw mo, basta
hayaan mo akong maging �kuya� mo tungkol sa IM Industry.
Ngayon, kung kumikita ka online nang higit sa $200 man lang sa loob ng isang buwan (oo, dollars
ang usapin sa IM, dahil International ang level nito), sana tulungan mo akong makagawa ng aklat
na makakatulong sa ating mga kababayan.
Kapag ginamit mo ang mga prinsipyo sa aklat na ito, kikita ka ng extra $100 to $200 sa unang
buwan mo ng paggamit ng aking sistema. Ayokong mangako nang diko matutupad, pero ang
iiwanan kong salita sa iyo ay handa akong tulungan ka basta magpasya ka na gawin nang
buong-puso ang nilalahad sa ebook na ito.
Isa pa, kung foreigner ang magtuturo sa iyo, tiyak na mas matatagalan siyang
*******************
Kung merong foreigner na nakapag-alok sa iyo ng isang online program o company, mabilis
mong matutukoy ang kanyang credibility sa pamamagitan ng "People Search Engine". Ganito
ang ginagawa ng aking company na PersonalsFinder.Ws .
*******************
Ating ituloy...
Ano ang Ugali ng Isang Matagumpay na Internet Marketer?
Hindi mo pa rin nahuhulaan?
Kung nakalimutan mo na ang konsepto ng bayanihan, mahirap nga sagutin ang tanong na ito. Pero
kung handa kang mag-refresh, iyon lang ang simpleng sagot. Kahit ako, ang gusto kong mangyari
ay matulungan ka.
*******************
"You can achieve everything you want in life, if you just help enough people achieve what they
want in their lives."
-Zig Ziglar
*******************
Baka naman gasgas na ang kasabihan na iyan para sa iyo, pero iyan talaga ang gumagana, eh.
May kultura tayong mga Pinoy na maging matulungin sa isa't-isa, lalo sa panahon ng kagipitan.
Noong namemeste ang Bagyong Ondoy, nakita naman natin ang pagdagsa ng tulong sa iba't-ibang
anyo. At worldwide kumilos ang mga Pinoy!
Gayunpaman, iyong karanasan ng bansa sa pagdating ng mga bagyo ay maitutulad din natin sa
IM, sa dalawang punto. Una, may mga taong gusto nating tulungan pero ang tanging gusto lang
ng mga taong ito ay tumanggap lang ng tulong; ang ganitong tao ay mahirap tulungan. Ikalawa,
may mga taong gusto nating tulungan, pero ayaw nila ang tulong na iniaalok natin.
Huwag kang mabibigla. Tinataya na ang response percentage o ang pagtugon sa anumang iniaalok
sa Internet (ayon sa International Internet Marketers) ay 1000:1. Ibig sabihin, isa lang sa
isanlibong makakakita sa offer mo o program mo ang siyang tutugon. Ito ang pinaka-conservative
estimate na matatawag at hindi masasabing "batas". Pero mas mabuting ito muna ang ating asahan
sa ating pagsisimula.
"Bakit ganun? Akala ko ba madali lang kumita sa Internet?" -maaaring ganyan ang maging
reaction mo.
Simple lang ang paliwanag dito. Siyempre, nagawang i-multiply ng Internet ang kumpetensiya.
Ibig sabihin, napakaraming tao din na gustong kumita ang may iniaalok na katulad marahil ng alok
mo!
Pero di ito dapat ipag-alala; matutuklasan mo ang matitinding dahilan sa Chapter 3.
"Teka, teka, sonjay. Wala naman akong produkto. Wala rin akong sariling website. Paano ako
kikita sa pamamagitan ng Internet?"
Isa-isahin natin ang mga issues na iyan.
Kahit wala kang produkto ay mayroong paraan para magkaroon ka. Tandaan mo, walang business
na walang produkto. Hindi ka kikita nang walang produkto na nabibili.
Sa Chapter 6, mabibigyan kita ng details sa kung paano mo magagamit nang husto ang ebook na
ito at maituturing mong unang produkto na maiaalok mo upang makatulong sa kapwa natin
Filipino Internet Marketers.
Sa regular na trabaho nga -binibili ng kumpanya ang oras at kakayahan mo. May mga
Internet-based companies na binabayaran ka sa dami nang ma-click mo. Oo, pipindot ka lang sa
mouse ay maaari ka nang kumita! Ang tawag dito ay Pay-Per-Click Programs (PPC). Pero hindi
ko iyan tatalakayin dito sa ebook na ito. Dahil para sa akin, ang isang Internet Business ay iyong
dapat na ma-e-enjoy mo nang matagalan, at nagpapahalaga sa oras ng isang tao. Iba ang pananaw
ko tungkol sa PPC's. Kung ganito ang iyong nais na gawin, mag-research ka na lang sa Google o
Yahoo ng mga PPC companies o programs.
Ang tanong ko naman sa iyo: gumagamit ka ba ng Twitter o Friendster? Paano kung
matutuklasan mong pwede kang kumita habang ganito kasimple ang ginagawa mo...?
Sa susunod na chapter, Chapter 3, ay ilalahad ko ang mga paraan kung paano maaaring kumita
gamit ang computer at Internet lang, at siyempre oras, nang wala kang matatawag na sarili mong
produkto o services.
Pero bago ko ibunyag iyan, ang mas makabubuting malaman mo ngayon...
Dapat Ba Akong Magkaroon ng Sariling Website?
Kahit na maraming magsasabi sa iyo na di mo kailangan ng sarili mong website, 99% na mas
mainam na meron ka nito. Mapalalawak ang iyong online world sa mga bagay na di mo pa naiisip
sa ngayon, pero magiging napakahalaga sa iyo sa katagalan, kung kukuha ka na ng "hosting
service" para sa iyong website.
"Hosting" ay ang pagpili mo ng company na mamamahala sa iyong website o "bahay sa Internet".
Ang pinakakilala na host company ay "Hostgator"; magbabayad ka para manatiling "sa iyo" ang
"online na bahay" mo.
At dahil gusto mong kumita sa pamamagitan ng Internet, ang sarili mong website na "bahay" mo
ay "business venue" mo rin. Ang pagkakaroon mo ng website ay nagpapatunay na totoong tao ka
at magtatagal ang business mo.
Sa puntong ito, recommended ko na anumang hosting service level ang piliin mo, huwag lang
iyong "basic" o "pinakamura" (kadalasan naman ay tatlong levels ito bukod sa libre; piliin mo na
lang iyong susunod sa pinakamura).
Meron pang ibang mapagkakatiwalaang host companies katulad ng "GoDaddy" pero mas
recommended ko ay "GDI" (host of .Ws domains), dahil sa matinding income opportunity din na
iniaalok nito. Ang aking sariling website na PersonalsFinder.Ws ay GDI ang host.
*******************
Ang GDI o Global Domains International, ay may madaling paraan para kumita ang isang
website owner ng $100 sa loob ng isang linggo. May libreng 7 days trial ang GDI, at
pagkatapos ay $10 lamang kada buwan- mababa kumpara sa ibang kilala ring web host, at
meron pang matagalang income potential. Para kunin ito bilang iyong host, paki-click dito .
*******************
Ayon sa pag-aaral, mas nakatutulong pa sa website owner ang pagkakaroon ng kanyang sariling
website, dahil nagtatagal siya sa kanyang business. Maraming nahihirapang magtiwala sa business
owners na walang website dahil maaaring anumang oras ay tumigil din ang business operations
nila.
Bago ka pumili ng web hosting company, mahalagang mag-isip ka na ng pangalan ng website mo.
Maaari mong isunod sa iyong sariling pangalan, para siguradong unique. O kaya naman, kung
papangalanan mo ang iyong online business, gawin mong medyo malawak ang saklaw, para
madali kang makapag-adjust.
Halimbawa, kung ang pinili mong website domain name ay thefilipinobiker.ws at pagkatapos ay
gusto mong mag-alok na ng piano lessons, kakailanganin mong magpa-cancel ng account at
magbayad para sa panibagong pangalan ng website. Diba?
Isa pa, ang dapat piliin mong bayarin ay nasa pagitan ng $10 hanggang $20 monthly (mga Php
500 - 1000 man lang). Kapag mas mababa dito ay maaaring unstable o maraming kakulangan na
di mo ma-enjoy. Kapag higit naman dito ay sobrang mahal na, na di mo naman kailangan ang
ibang features.
Ikaw pa rin ang magdesisyon tungkol sa pagkuha ng sariling website, pero sigurado na sa
katagalan ay kukuha ka rin, lalo kung seryoso ka na kumita sa Internet. Dapat mo lang alalahanin
na ang pinakamahalaga naman sa features ng isang web hosting company ay ang Email Address na
talagang nakalaan lamang sa iyo.
Bakit Mahalaga ang Aking Email Address?
Pansinin mo: ang unang hinihingi sa iyo ay Email Address, para mabigyan ka ng information
online, o para ma-contact ka. Ang pinakaunang magiging patunay ng iyong "paninirahan" o
pagnenegosyo online ay ang iyong Email Address.
Iyong mga libreng email address accounts, ang problem ay hindi 100% ang pagdating sa iyo ng
emails mo, dahil sa dami ninyong umaasa sa free service. Marami ring limitations, at madalas ang
ads na makikita mo ay yung hindi naman relevant sa interes mo o sa kung saang bansa ka nakatira.
Ang libreng Email Address din ay madaling mapalitan. Kumbaga sa cellphone, parang sim card na
prepaid. Kung may "monthly plan" ang sim card ay iingatan mo ito diba?
Kung ang website mo ang maituturing mong "bahay", ang Email Address mo naman ang
maituturing mong "silid" o bedroom. Hindi dahil ito ang tulugan, pero dahil ito ang
pinaka-personal sa lahat ng mga "pinupuntahan" o ginagamit mo sa Internet. Madalas na ikaw
lang ang merong "susi" nito o password, ikaw lang ang may karapatang makapagpapasok sa loob.
Ganyan kahalaga ang email address.
Ihalintulad natin sa isang restaurant naman. Kapag sinabi ng may-ari na maganda ang "location"
ng restaurant dahil maraming tao na nagpupunta, ibig sabihin ay marami ang maaaring kumain
doon.
Ikaw, ano ang pinakamadalas mong puntahan kapag nag-online ka? Malamang sa hindi, ay ang
Email inbox mo. Ang Email Address mo pa nga ang siyang susi mo rin para maka-join ka sa
Social Networks tulad ng Friendster, Facebook o MySpace.
Makatutulong na magkaroon ka ng tinatawag na "alternate" Email Address na magagamit mo
para sa business mo lang.
Makakapagsimula ka sa isang maayos na online business, kahit wala kang website. Pero sobrang
limitado ang magagawa mo, online, kapag wala kang Email Address -pwede pa nga nating
maituring na imposible...!
Ganyan ka-sagrado ang Email Address.
Isa pang patunay? Simple. Ang Email Address mo ang paraan upang magbayad at mabayaran ka
nang mabilis. Kaya tutungo tayo sa susunod na tanong...
Ano Ang Payment Processor at Kailangan Ko Ba Ito?
Ang payment processor ay isang third party company o maituturing na "middle-man"; tinitiyak ng
payment processor na dadaan ang palitan ng salapi sa pagitan ng mga nagnenegosyo at customers
bago makuha ang products o services.
Samakatuwid, ang payment processor ay kailangan mo para mabayaran ka!
Ang problema kasi, mas nakararami ang nag-iisip na hindi nila kailangan ang payment processor
sa pag -aakalang higit na ginagamit ito para gumastos, at dahil lahat ng ito ay nanghihingi ng
credit card details.
Naturalmente! Ang payment processor ay mabigat na patunay na totoong tao ang bumibili,
nagbebenta at nagnenegosyo sa Internet! Tinitiyak ng payment processors na tukoy ang isang
indibiduwal o organisasyon, sa pamamagitan ng credit cards. Sa ganitong proseso, hindi na nila
kailangang magsagawa ng research o investigation, dahil nagtitiwala ang payment processors sa
bank na nag-issue ng account information.
*******************
Hardcore Business Tip: Nararapat lang na gastusan ang isang bagay na magdadala sa iyo ng
karagdagang kita!
*******************
Ano ang magandang balita para sa iyo dito? Ibig sabihin, ang kahandaan mong magbayad, ay
katumbas ng kahandaan mong mabayaran!
Ang pinakasikat na payment processor ngayon ay ang PayPal, dahil sa bilis ng nagagawang
transaksiyon nito at ligtas mula sa panloloko o pang-aabuso. Kaya nga nakipag-partner na ang
Yahoo! Company mismo dito sa PayPal.
*******************
Libre lang ang pagbukas ng account sa PayPal, at maaaring gamitin mo ang iyong Bank
Savings Account para dito ma-withdraw ang perang ibinayad sa PayPal Account mo, hindi mo
pa kailangan ang credit/debit card. Pero kung ikaw ang magbabayad, kahit hindi naman
"subscription" o "optional continuity", kailangan mo ng credit/debit card. Kumuha ka ng
pansariling PayPal Account dito .
*******************
*******************
Maaaring tumanggap ng debit card ang payment processors, kung "International" ang card/s na
gagamitin mo. International ang card na merong logo ng MasterCard, Visa, American Express,
at iba pa ayon sa partners ng mismong payment processor na pinili mo. Dito sa Pilipinas, ang
BDO at Union Bank ay nag -aalok ng debit card na MasterCard. Ito ang pwede mong gamitin at
iugnay sa iyong payment processor account, katulad ng PayPal.
*******************
Ang Google company naman ay pwede ring magbayad sa pamamagitan ng PayPal, at pwede rin
namang makapaglabas ng cheke bilang bayad.
Google, Yahoo!, at MSN ay mga malalaking Internet based company na matatawag na
multi-purpose, pero nangungunang service nila ay ang pagiging Search Engine. Search Engines pa
rin ang maituturing na pinakamalakas na advertising medium sa Internet.
Bukod sa PayPal, kilala rin at mapagkakatiwalaan ang malalaking payment processor companies
na AlertPay at 2Checkout. Maraming online companies ang nakikipag-partner din sa higit sa isang
payment processor para sa mas malawak at mabilisang transactions.
Summary of Important Points
Ang Internet Marketing ay pagbubuo ng relationships. Ito ay kahit ano pa ang iyong target market
o "niche" na matatawag.
Lahat ng "kagamitan" o "tools" na kailangan ng isang Internet Marketer ay hindi lamang iyong
makakapaglagay sa kanya ng pera, bagkus ay iyong makakapagpataas ng kanyang credibility at
gagawin siyang mapagkakatiwalaan.
Sa Chapter na ito, natuklasan natin ang kailangan para maihanda ang Filipino sa Internet
Marketing:
1. Pagkakaroon ng gabay o tagapagturo
2. Ugaling makapagpapaunlad sa IM- ang likas na pagtulong sa iba, at ang pagtitiyaga sa pag-alok
3. Pagpapasya sa pagkuha ng sariling website
4. Pagkakaroon ng maayos na Email Address, mas mainam na merong "alternate/business Email"
5. Pagkumpleto ng requirements para sa isang pansariling payment processor account
Nagtanong ako sa isang daang Filipino, at ayon sa data na nakuha ko, 4 out of 5 sa mga kailangan
na nabanggit dito ay meron sila! Ibig sabihin, mas malamang na handa nga ang Filipino sa IM!
Sa susunod na chapter, makapipili ka ng company o program ayon sa business model na gusto
CHAPTER 3:
Angkop na Online Business Model
(THE APPROPRIATE ONLINE BUSINESS MODEL)
Ang chapter na ito ay nakatuon sa iba't-ibang business model na maaari mong pagpilian sa
pagsisimula ng iyong IM career.
Bawat model na babanggitin ko dito ay bibigyan ko ng paliwanag gamit ang S.W.O.T. Analysis �
ilalahad ko ang Strengths o benefits, Weaknesses o disadvantages, Opportunities o potentials, at
Threats o pressures � upang makatulong sa ating pag-decide. Sa huli ay ang aking payo o
suggestions.
Chapter 3.1. Affiliate Marketing
Tandaan, ang pinakasimpleng paraan ng pagpapatakbo ng business, kahit sa Internet, ay ang
maipakita sa maraming tao ang iyong iniaalok na products o services.
Kanina sa Chapter 2 ay nabanggit na pwedeng mag-alala ang isang baguhan sa IM kung ano ang
kanyang magiging produkto. Sa Affiliate Marketing Model, ang isang Internet Marketer ay
maaaring makapag- alok ng product na iba ang may-ari, at kikita ng commission mula sa
mabibiling products.
*******************
Ang pagpapakita o pagpapapunta sa online visitors sa isang webpage o website ay ang
tinatawag na "traffic" sa Internet. Kung sa offline world, lalo sa Pilipinas, ay ayaw ng mga tao
ang matinding traffic, ang online business naman ay nabubuhay sa maraming traffic!
*******************
Ang model na ito ang isa sa pinaka-mapagpalang business at madaling simulan. Affiliate ang
tawag sa iyo kapag nag-promote ka ng product/service na hindi mo ginawa pero kumikita ka sa
pamamagitan nito.
Strengths
*Hindi mo kailangan ng sarili mong website para simulan ito.
* Hindi mo kailangang gumawa ng sarili mong products, focus mo lang ay maipakita sa maraming
tao (traffic) ang product na recommended mo, at hihintayin mong dumating sa payment processor
account mo ang bayad sa iyo.
* Maaari kang kumita ng commissions mula 30% hanggang 100% ng presyo ng products!
Weaknesses
* Siyempre kailangan mo ng maraming traffic para masukat mo talaga ang iyong kikitain.
*Kailangan mong mag-research ng isang maayos na Affiliate Program na alam mong marami ang
matutulungan ng product.
Opportunities
*Napakaraming Affiliate Programs sa Internet, at araw-araw ay may idinadagdag na makabago at
makabuluhang products.
*Dahil sa buong mundo ang audience, kahit saan ka tumingin sa Internet ay may nangangailangan
ng affiliates!
Threats
*Libu-libong affiliates ang gumagawa ng promotions. At iyong katulad mong affiliate sa isang
product ay kakumpetensiya mo.
*May mga "established" affiliates na meron ding sariling grupo ng affiliates na gumagawa para sa
kanila.
Suggestions
*Mag-signup ka sa isang online store na merong affiliate program. Pagkatapos ay mamili ka ng
ilang products na maganda para sa iyo ang commission level, at hindi ka mahihirapang
mag-promote. Halimbawa, kilala ka ng mga kaibigan mo na mahilig sa sapatos at marami kang
sapatos, pwede ka mag- promote ng products na nagugustuhan mo.
*Kung mas interesado ka sa digital products o e-products, maaari kang mag-signup sa
Clickbank.com ; ang Clickbank ang pinakamalaki at pinakarespetadong online store ng digital
products.
*Kung gusto mo naman ang pagkakataon na magkaroon ka ng affiliates na kapag nag-promote at
kumita ay may makukuha kang commissions, mag-signup ka sa TripleClicks.com . Ang
TripleClicks ay ang online store ng SFI company.
Chapter 3.2. Blogging
Maituturing na pinakasimpleng simulan na online business ay ang paggawa ng blog. Kahit sino ay
pwedeng gumawa ng blog, kahit pa nga iyong mga hindi marunong magsulat (pwedeng gumawa
ng picture blog).
Ano ba ang Blogging Model?
Ibig sabihin ng Blog ay pinaikling web log, na tumutukoy sa isang website o webpage na mabilis
mabago o madagdagan o ma-update. Ngayon, mas kinikilala ang blogging bilang pag-iingat ng
isang online diary. Bloggers ang tawag sa mga may-ari ng blogs.
Strengths
*Ano ang pwede mong ilagay sa blog site mo? Kahit ano! Pwede kang magsulat tungkol sa kung
ano talaga ang mga gusto mo sa buhay, at kapag "malaman" at kapakipakinabang ang mga
sinusulat o pictures mo sa blog, automatic na pupuntahan ka ng mga taong kapareho mo ng
interes.
*Mura lang ang pagsisimula ng isang blog, aabutin ng mga $5-9 (less than Php500.00) monthly, at
pwede ka pa nga gumamit ng libreng blog companies para gawin ang blog site mo!
*Sa iyong pagsisimula, lahat ng mga kakilala mo ay ang iyong magiging audience agad!
*Ang isang blogger ang may pinakamataas na credibility rating at pinakamapagkakatiwalaan sa
kanyang recommendations! Bakit? Napaka-personal ng isang blog. Ang pagkakaroon ng blog ay
nagpapatunay na isa kang tunay na tao, na maaaring mag-benefit ang iba mula sa mga pananaw at
suggestions mo.
Weaknesses
*Maaaring tumagal ang pagdating ng traffic sa site mo. Ang isang blogger na regular na
naglalagay ng content sa kanyang blog (mga 3 beses sa loob ng isang linggo) ay maaaring makita
ang resulta ng kanyang pinagpaguran pagdating pa ng isa hanggang dalawang taon.
*Kung gusto mong mapabilis ang resulta ay kailangan mong mag-blog ng mas maraming beses at
makipagpalitan ng blog links sa iba pang bloggers na maaaring �relevant� o maiuugnay mo sa
iyong topics sa blog.
*Isasaalang-alang mo kung ano ba talaga ang kailangan ng audience mo o target market mo.
Kadalasang ginagamit ang isang blog kasabay ng isa pang Online Business Model para mapatindi
ang resulta, kaya dapat may kaalaman ka rin sa ibang models.
Opportunities
*Hindi ka man basta-basta kikita sa Blogging Model, pero pwede ka namang mag-blog para sa iba
para kumita!
Threats
*Merong isang blog na nabubuo sa bawat DALAWANG SEGUNDO saan man sa mundo, kaya
matatantiya mo kung gaano katindi ang competition!
Suggestions
*Mag-register ka na ng sarili mong website domain name ngayon! Ikaw ang pinakamahalagang
tao sa buong mundo kaya nararapat lang na may sarili kang website!
*Maaari kang mag-register sa Blogspot.com o sa Wordpress.com para sa iyong libreng blog.
Halimbawa nito ay aking site .
*Sa Chapter 6 ay may karagdagang paraan para matulungan kitang kumita sa pamamagitan ng
blogging.
Chapter 3.3. Online Freelancing
Masasabing ang pinakamabilis na paraan para kumita sa Internet, mag-alok ka ng iyong services
bilang Online Freelancer na nakasandal sa iyong pinakamahusay na mga kakayahan, at mabayaran
ka sa pamamagitan ng iyong gawa o outputs.
Strengths
*Mabilis at madaling kumita kung alam mo kung paano ka matutunton ng nangangailangang
kliyente. Maituturing na parang meron ka ring "traditional" na trabaho, pero hawak mo ang oras
mo!
*Maaari kang gumawa ng projects at pumili ng gagawin, na hindi mo kailangang isipin kung ano
ang isusuot mo o kung saan ka magtatrabaho. Ang kailangan lang ng kliyente ay ang finished
output mula sa iyo!
*Pwede mo itong isabay sa ibang Online Business Model, o kaya naman ay magpatuloy ng
traditional job mo habang meron kang freelance projects!
Weaknesses
*Ang pagiging freelancer ay pagiging "expert" sa isa o iilang gawain, kung kaya dapat lang na
meron kang maipagmamalaking skill o kakayahan.
*Dapat ay maglaan ka rin ng oras para gumawa ng outputs na mahusay ang quality pero hindi ka
maaaring bayaran �ang ganitong outputs ay magiging bahagi ng iyong portfolio.
*May mga kliyente rin na manghihingi ng "fresh samples" mula sa iyo.
*Karamihan ng freelance outputs ay one-time ka lang mababayaran, pero may pagkakataon na ang
kliyente mo ay magagamit ito upang kumita sa iba't-ibang paraan.
Opportunities
*Ang may kaalaman sa Web Development, Architecture, Writing, Graphics Design at iba pang
talents ay sobrang "�n-demand" sa Internet!
*Kung wala ka pang maituturing na kakayahan kung saan mahusay ka, maaari kang magsimula sa
mga Data Entry na projects. Kailangan mo lang ng computer at Internet access!
Threats
*Kakumpetensiya mo ang napakaraming freelancers, na malaking percentage ay nag-aalok ng
services nila nang sobrang mura!
*Kailangang matuto kang umiwas sa scams!
Suggestions
*Mag-register ka sa Odesk.com. Sundin mo ang instructions para makakuha ka ng dalawa
hanggang tatlong exams doon, at ipasa mo (madali lang naman). Mamili ka ng projects na mababa
lang muna ang bayad. Kapag nakuha ka na at nakatapos ka ng trabaho, mag-request ka ng
magandang feedback mula sa kliyente!
*Maaari kang mag-download ng isang article research master software, upang mapabilis ang
pag-research mo.
Chapter 3.4. Online Network Marketing
Kung meron kang karanasan sa Network Marketing o Multilevel Marketing (MLM),
matutuklasan mong mas malawak ang potential ng Online Network Marketing. Tandaan mo -1%
of a hundred people's efforts!
Strengths
*Katulad ng Affiliate Marketing, hindi mo kailangang makipagkita sa mga tao para alukin ng
opportunity.
*Ang buong mundo ang maituturing mong prospect sa pagbuo ng iyong downline groups.
Weaknesses
*Kapag online na, malaki ang pagkakataon na ituring ng downline groups mo na hindi ka nila
pwedeng ma-reach o kaya naman ay hindi sila makabuo ng personal relationships sa kanilang
upline leaders.
Opportunities
*Mas marami kang maaalok sa mas konting oras na gugugulin mo.
*Mabilis mong matutukoy ang iyong prospects at ang iyong magiging downlines, dahil handa
silang malaman kung paano sila kikita sa pamamagitan ng leadership mo.
Threats
*Maaaring maging mataas ang attrition rate. Hindi na maituturing na maganda ang loyalty ng
downlines dahil sa sobrang dami ng opportunities sa Internet.
Suggestions
*Mag-register ka sa isang Network Marketing Prospecting System na makakapagbigay sa iyo ng
updated na leads, habang kumikita ka na tutumbas sa iyong inilaan na gastos.
Chapter 3.5. Niche Marketing
Niche Marketing ang tawag sa Online Business Model na nakatuon sa isang target audience o
"niche" na hindi nakapatungkol sa kung paano magtatayo ng business (katulad ng Online Network
Marketing o ng Internet Marketing Mainstream). Halimbawa nito ay tungkol sa "dog training"
-ang audience dito ay interesado sa maayos na pag-aalaga at pagtuturo ng aso, at handa silang
gumastos para makamtan ang kanilang gusto para sa mga alaga.
Strengths
*Katulad ng paggawa ng blog, maaari kang tumutok sa kung saan ka mahusay, at mag-alok ka ng
products o services na kaugnay nito. Halimbawa, magaling ka sa paglalaro ng baraha, maaari kang
magdaos ng tournament tungkol dito o kaya ay kumita sa pamamagitan ng pag-alok ng
makabuluhang tips sa paglalaro.
Weaknesses
*Kailangan ng matinding pagplano at pag-research ng niche mo; ito ang uubos sa oras mo.
*Kailangan matuto ka na magdala ng "targeted traffic" sa website mo, ito ay iyong mga taong
interesado sa iyong niche.
Opportunities
*Hindi ka mauubusan ng opportunity sa Niche Marketing. Kailangan lang na matukoy mo kung
ano ang hinihingi ng mga tao sa niche na napili mo.
*Hangga't maaari ay piliin mo ang niche na halos wala pang business owner na nagbibigay ng
pansin.
Threats
*Bibihira ang isang niche o target audience na hindi pa covered ng mga business-minded na tao.
Suggestions
*Mag-research ka sa Google o Yahoo ng forums tungkol sa niche na comfortable ka na. Kung
gagamitin natin ang halimbawa kanina, sa paglalaro ng baraha, pwede mo pang paliitin ang sakop
ng niche mo para matukoy ang iyong "sub-niche" -ilagay mo kung anong uri ng laro sa baraha,
anong bansa, anong lungsod (e.g. "poker Philippines Manila forum" ang i-type mo sa search bar).
Ang mga forum na ito ang magsisilbing "niche market" mo.
*Mag-register ka bilang member ng mga forum na iyon, at mag-post ka ng makabuluhang
comments tungkol sa iyong niche.
*Pwede kang magsagawa muna ng ibang Online Business Model habang ginagawa mo ang
research mo.
Chapter 3.6. Internet Marketing Mainstream
Maituturing na isang "niche" pa rin ang Internet Marketing Mainstream. Ang focus ng Online
Business Model na ito ay makapagturo sa mga tao kung paano kikita ng pera sa pamamagitan ng
Internet.
Strengths
*Ito ang pinakamalaking niche market sa buong Internet at sa buong mundo. Kung meron kang
produkto o programa na makakatulong sa mga tao na kumita ng pera, makatipid ng pera, o
makapagbigay ng sistema para mas mapadali ang pagpapatakbo ng kanilang business, hindi ka
mauubusan ng tagatangkilik.
*Ito ang niche market na lahat ng taong nakakaintindi ng magagawa ng Internet para sa
kanila, ay handang gumastos at matuto!
Weaknesses
*REQUIRED sa Internet Marketing Mainstream na matiyak mong kikita ang mga tao sa iyong
produkto o sistema.
*Ito ang Online Business Model na may pinakamatinding competition. At kadalasan,
pinagsasama-sama nito ang iba pang models para magdala ng makabuluhang resulta.
Opportunities
*Gumawa ka ng survey sa mga nakapaligid sa iyo, alamin mo kung gaano karami ang kumikita sa
pamamagitan ng pag-online? Ganyan karami ang opportunities!
Threats
*Dito merong pinakamaraming manloloko; madalas kahit kapaki-pakinabang ang produkto o
service o sistema mo, ayaw ng mga tao na ma-involve sa business mo kasi "kamukha" ng alok mo
iyong alok ng nanloko sa kanila.
Suggestions
*Punta ka sa The Dream Team Gold Club para makakuha ka ng libre at kapakipakinabang na
products (software, videos, etc.) at matutunan mo ang iba't-ibang paraan ng Internet Marketing.
Sana ay handa ka pa rin matuto, at hangga't maaari ay simulan mo nang pag-isipan ang Online
Business Model na gusto mo.
Highlight
Maraming nagtatanong sa akin kung paano ba kikita sa isang particular company/program. Ang
suggestion ko tungkol dito, alamin nila ang "main focus" o pangunahing model ng company o
program nila. Siyempre, kung ito ang main focus, siguradong narito ang higit na
kapaki-pakinabang na dating ng pera.
Ang susunod na maaaring gawin ay pag-aralang mabuti ang training program mula sa company at
mula sa upline leaders.
Anumang company ay merong product/service, at sa pamamagitan nito kumikita. Kung walang
product/service ang company, marahil dapat nang magdalawang-isip ang Internet Marketer na
ituloy pa ang business sa company/program na ito.
Tandaan na ang pinakamahalagang kasangkapan natin sa IM Industry ay ang ating credibility.
CHAPTER 4:
Ang Pangunahing Tungkulin ng Internet Marketer
(THE FOREMOST DUTY OF AN INTERNET MARKETER)
Okey!
Umabot ka na sa chapter na ito, at oras na para sa matinding pagkilos.
Narito na tayo sa ikalawang "major component" ng IM, at ang sinabi ko ay ito ang "Advertising".
Ngayon pala ay babaguhin natin ng kaunti. Nagkaroon ako ng "enlightenment" mula sa aking IM
coach, na nagpahiwatig sa kanyang ebook na hangga't maaari ay iwasan ang term na "advertising"
at bagkus ay gamitin ang "marketing".
It makes sense. "Marketing" is the second word of our industry.
Sa palagay ko ay tama nga naman. Advertising kasi ay impersonal. Marketing ay iyong
pagpapakita talaga na merong "connection" o kapakinabangan para sa audience ang
product/service mo.
Ito ay bilang reminder na ang ating gustong mangyari ay makabuo ng makabuluhang relationships
at makatulong sa mas nakararaming tao hangga't posible.
Pero sa ating pag-uusap, gagamitin ko pa rin ang parehong term, "advertising" at "marketing".
Yun nga lang, tutukuyin ko ang "advertising" bilang pamamaraan ng pagpapakilala at hindi para
magbenta. Ang "marketing" naman ay paraan ng pag-recommend.
Huwag kang mag-alala, hindi natin kailangan talaga ng tinatawag na "hard selling". Ang mga
customers at business partners natin ay handang bumili mula sa atin, basta matukoy nila na
sobrang importante para sa kanila ng ibinibigay natin.
Sandali, ano nga ulit ang pangunahing tungkulin ng isang Internet Marketer?
Ang dapat lang umubos ng ating oras sa IM ay ang pag-advertise, pag-promote o pag-market... sa
paraang nakikipagkaibigan tayo.
It makes sense. "Marketing" is the second word of our industry. If this still does not make
sense to you, please restart reading Chapter 4 of this Ebook.
Hindi ito mahirap. Baka narinig mo na rin ito: ilang beses kang merong nabiling pagkain na bago
sa panlasa mo at ibinalita mo sa mga kakilala mo na masarap ito, bumili sila at nagustuhan din?
Ganyan ang istilong nais mong gawin.
Babala pala: kung sa palagay mo ay ayaw mong mag-promote o mag-recommend, o nahihiya ka,
o sa anumang kadahilanan ay wala kang gana o oras na mailalaan dito, ang IM ay hindi para sa
Kung handa ka namang matuto pa, ituloy mo lang ang iyong pagbabasa nito.
Email Signature Marketing
Napakadali nito pero napaka-kaunti ng gumagawa. Karamihan ng mga gustong gumawa nito ay
nag-aalala na baka "nabubugbog" nila ang kanilang mga kakilala sa kanilang pag-promote. Hindi
totoo iyan. Sa katunayan, makatutulong pa nga ito sa iyo, dahil hindi mo na kailangan ng
mahabang paliwanagan sa kung sinuman ang pinagpapadalhan mo ng email.
Gawin mo lang na maikli at parang nakikipag-usap ang Email signature mo. Ito ang halimbawa:
*******************
P.S.
Isang LIBRENG EBOOK ang magtuturo sa iyo kumita?
Download mo dito .
*******************
Email Counter-Marketing!!!
Ang Free Fixed Advertising (FFA) ay iniaalok ng website owners para dumagsa ang traffic sa
kanilang website. Maaari kang mag-post ng anumang link na gusto mo kasama ang description
nito.
Kapag nag-post ka sa FFA websites, tiyak na dadagsa ng Emails ang inbox mo! Ang kagandahan
nito, iyong Email mo ay matatanggap ng lahat ng mga nag-post din!
Dalawang dahilan kung bakit mainam mag-post sa FFA websites. Una, lahat ng taong nagpo-post
sa website na iyon ay may pagkakataong makita ang link mo (sa mismong website).
Ikalawa, seryosong marketers ang may-ari ng websites na ganito. At pwede mong maipakita sa
kanila ang alok mo. Pero hindi ito sa pamamagitan ng posts mo. Bagkus, magagawa mo ito sa
pamamagitan ng Email Counter-Marketing!
Papaano mo gagawin iyan?
Kailangan, ang Email address mo ay may "Auto-Reply" feature. Itong Email address na ito ang
siyang gamitin mo lang para sa iyong marketing purposes!
Maglagay ka ng isang magalang na Auto-Reply Message na nagpapaliwanag na seryoso ka sa
iyong online business, natanggap mo ang Email ng nagpadala, at mangako ka na babasahin ito sa
lalong madaling panahon. At pagkatapos, maglagay ka ng suggestion na puntahan ang link mo!
Narito ang halimbawa:
*******************
Thanks for your Email!
I have been somewhat very busy with my online business, but I want you to know that your
message has been delivered to me. I read each and every Email I receive; I will check your
message the soonest I am available and will personally respond if need be.
For your trouble, please take advantage of my FREE EBOOK which discusses the "Greatest
Marketing Strategy Ever To Hit the Internet" .
Warm Regards,
Jayson Guevarra
P.S.
Isang LIBRENG EBOOK ang magtuturo sa iyo kumita?
Download mo dito .
*******************
Aba! Napansin mo rin siguro na andun ang aking Email Signature!
Siyempre hangga't maaari ay English ang Auto-Reply, at dapat na International IM material ang
nasa Email body. Pero hinayaan ko lang ang aking Email Signature para sa mga Filipinong
makababasa nito!
Ang problema lang, ang Auto-Reply feature ay hindi available sa free Email accounts. Nasubukan
ko na ito sa Yahoo mail at Google mail. Tanggapin natin ang katotohanan. Pero kung gusto mo
pa rin gamitin ang Email Counter-Marketing, pwede mong gawin iyon sa Outlook mo lang. Ang
kaso, para gumana ito ay kailangan mong naka-connect sa Internet ang computer mo ng 24 hours
(kung may business ka o kakilala na merong Internet caf� na business, pwede mong gawin ito!).
Pwede kang magsimulang mag-post dito (libre ito!):
Nakita mo iyong link ng Sulit.com, ano?
Oo, pwede mong gawin nang libre ang Email Counter-Marketing sa pamamagitan ng pag-post ng
reply sa mga ads na related sa inaalok mo!
Ganito ang gawin mo. Gawa ka ng account sa Sulit.com. Mag-search ka ng ads tungkol sa
"marketing", "Internet Marketing", "IM". Basahin mo ang ad, tapos gawa ka ng personal message
bilang reply sa ad. At ilagay mo ang Email Address mo na merong Auto-Reply.
Maaaring nakakapagod sa simula itong pag-post naman ng reply sa classifieds websites, pero sa
ganitong paraan ay sobrang �targeted� ang traffic na makukuha mo.
Kung walang Auto-Reply ang Email mo, kailangan mong basahin isa-isa ang sagot sa iyo. Sa
palagay ko okey lang naman, ang mahalaga ay nakalagay pa rin ang Email Signature mo.
Isa pa, kailangan mong mag-stick sa iyong promotion. Sa program mo o company mo dapat sila
sumali; hindi iyong ikaw ang mahihikayat nila.
Email Marketing Miscellaneous
"Sandali, sonjay...! Bakit puro tungkol sa Email marketing ang tinatalakay mo dito? Wala bang
ibang paraan?"
Ang sagot ko sa tanong na iyan, hindi ko gustong i-recommend dito ang mga bagay na hindi
naman gumagana na kasing-epektibo nito!
Okey, mukhang matindi ang claim ko. Pero mas mahirap kasi ang ibang paraan dahil masyadong
"impersonal" na. Tandaan mo, gusto natin ng matagalang relationships!
Ang idea ng lahat ng marketing strategy ay para makarating sa Email inbox ng mga tao ang iyong
mensahe!
Balikan natin ang restaurant example ko sa Chapter 2. Sinasabi ng may-ari na "maganda ang
location" ng kanyang "business" dahil "madalas puntahan" ng mga tao. Ano ba ang pinakamadalas
puntahan ng tao kapag online siya? Ano ang kailangan ng isang tao para maka-join sa iba't-ibang
sites?
Ganyan katindi ang Email Address... naaalala mo na?
Meron pang ibang paraan, magagamit mo ang mga prinsipyo dito sa Blogging, Social Media at
Forum Marketing.
Sa Blogging, katulad ng nabanggit sa Chapter 3, maaaring matagalan ang resulta.
Oo, maaari mong gawin sa Social Media. Pero ang alok mo dapat ay ang iyong Email Address!
Magagawa mo ito sa Friendster, sa Twitter, sa MySpace o sa iba pang Social Media Websites at
kahit sa sarili mong Blog nang hindi mo binabago ang karaniwang ginagawa mo.
Paano?
Isipin mo na ang "general idea" ng steps natin ay ganito:
1. Improve personal credibility
2. Make your offer
3. Inform about what you can do
Ang step 1 ay magagawa mo sa pamamagitan ng pakikipagkumustahan, pagkukuwento ng mga
bagay na interesado ka, pagpapakilala, atbp. Hangga't maaari ay patunayan mong totoong tao ka.
Kaya kung ginagawa mo na ito sa Social Media sites, halos tapos na ang step 1.
Ang step 2 ay magagawa mo sa pamamagitan ng pag-aalok ng tulong! Ang "offer" mo, ang
numero unong ibinebenta mo ay ang kagustuhan mong makatulong sa iba! (Ngayon, kung hindi
ito talaga ang alok mo, hindi ko na alam kung paano ka magiging matagumpay sa anumang
larangan). Paano ka makatutulong? Ipa-download mo sa kanila ang FREE EBOOK na ito!
(Pinagsama-sama ko ang lahat ng information dito para matulungan ka, kung hindi ito
nakatutulong sa iyo, malamang na hindi mo na ito binabasa.)
Ang step 3 ay magagawa mo sa pamamagitan ng pagtatanong. Halimbawa ay, "Nabasa mo ba
iyong FREE EBOOK?"; "Ano sa palagay mo?"; "Meron bang hindi malinaw sa iyo?"... At hindi
mo nga kailangan ng maraming paliwanagan tungkol sa Ebook na ito. Ang lahat ng gumaganang
pamamaraan ay naririto na. Ang dapat mong gawin ay kumpirmahin mong ginagamit mo ang
sistema dito at gumagana para sa iyo.
Sabi ko kanina, "halos" tapos na ang step 1 kapag ginawa mo. Pero hindi pa talaga ito tapos.
Kailangan mong bumalik sa paggawa ng step 1! Iyan ang tinatawag na sistema.
CHAPTER 5:
Mga Kagamitang Makatutulong sa Iyo
(TOOLS TO HELP YOU)
Inihanda ko ngayon dito ang products na makatutulong sa iyo sa iyong IM career. Inilahad ko rin
dito kung ano ang magagawa ng bawat isa at kung magkano ang regular price.
1. Easy Cash Blue Print
EBook Value: $27
Matutuklasan mo dito ang paggawa ng sarili mong product at siyempre
kumita mula dito.
2. Build the Perfect Mailing List
Ebook Value: $16
"The money is in the list." Tuklasin mo ang mga paraan upang maging
matagumpay ang iyong Email Marketing tactics.
3. NicheSponder
Software Value: $97
Gumawa ng sales letters para mabayaran ka sa Online Freelance jobs, o
kaya naman ay isalin mo sa Filipino para makatulong magpaliwanag ng
products mo!
4. Internet Marketing Training Na Naiintindihan Ko
Training Program Value: $150.00
Hihimayin natin ang bawat sistemang ginagamit ng 30+ International IM Guru upang magamit sa
ating online business!
Kapag pinagsama-sama mo ang presyo ng bawat isa sa mga nabanggit sa itaas ay nagkakahalaga
ito ng halos Php 14,500.00 ($290.00).
********
Pero ang buong package na ito ay iniaalok sa iyo ngayon sa halagang $10.00 (halos Php
500.00 lang) kasama ang napaka-kahanga-hangang BONUS na makikita sa Chapter 6.
********
Hahamunin kita na humanap ngayon ng ganito katinding collection ng IM tools para matulungan
kang kumita sa Internet. Alam kong mahihirapan ka, matatagalan at siguradong higit pa sa Php
500.00 ang magagastos mo.
Pero hindi na kita papagurin.
Kung sa palagay mo hindi mo kailangan ang ganitong products, sa palagay ko ay magugustuhan
mo ang naghihintay na bonus sa iyo sa susunod na chapter.
CHAPTER 6:
Ang Nagbibigay ay Tumatanggap
(THE ONE WHO GIVES, RECEIVES)
Alam kong excited ka nang malaman kung paano ka kikita sa pamamagitan ng Ebook na ito.
Kung nagmamadali ka at itong chapter na ito agad ang binasa mo, walang problema. Dahil dito ay
hindi ako magpapaliguy-ligoy. Hayaan mo lang muna, na bigyan ko ng summary ang mga naunang
pahina.
Sa Chapter 2 ay naipakita ang kailangan ng Internet Marketer -ang bumuo ng makabuluhan at
pangmatagalang relasyon sa mga taong nakakaugnay sa Internet. Napagkasunduan din ang
kapangyarihan ng paggamit ng Email Address, kasama ang likas na ugali ng Filipino na tumulong
sa iba.
Sa Chapter 3 naman ay inilahad ang iba't-ibang Online Business Model na pwede mong simulan
para kumita ka sa Internet.
Sa Chapter 4 ay pinagtuunan ang "sagradong tungkulin" ng Internet
Marketer at paano matagumpay na magagawa ang "marketing".
Ang Chapter 5 naman ay nagpakita ng collection ng products na makukuha mo lang sa
pamamagitan ng Ebook na ito, kasama ang programang "IM Training na Naiintindihan Ko". Okey
lang kung hindi mo kailangan ang products mula sa chapter na iyon. Pero ang sigurado ko ay
kailangan mo ang isang malupit na link na babago sa iyong pananaw.
Kahit subukan mo pa ngayong mag-click diyan sa button sa itaas, malamang na hindi sa aking
PayPal account mapupunta ang bayad, kundi sa account ng isang tao na nag-iisip na
mapapakinabangan mo ang kumita sa Internet.
Ngayon, kapag nag-click ka sa sobrang lupit na button sa itaas, magkakaroon ka ng karapatan na
magpamahagi ng eksaktong Ebook/EPages na ito na nakapaloob ang link sa PayPal Account mo.
"Sandali lang, akala ko ba LIBRENG ITO? FREE? Eh bakit pinagbabayad na ako ngayon?" -
sasagutin ko rin ang tanong na iyan.
Ang mismong Ebook na ito pati lahat ng information na narito, ay LIBRE nga lahat. Hindi ang
Ebook ang iyong babayaran, kundi ang karapatang kumita sa pamamagitan ng pag-distribute o
pag-promote ng Ebook na ito.
O sige, maaari mong sabihin, na pwede mo namang ipamigay nang libre ang kopya na ito. Ang
sistema, ang mangyayari, wala naman dito ang link ng PayPal Account mo. Isa pa, wala ka rin ng
anuman sa mga products na nabanggit dito sa Ebook diba? Ayoko namang masayang ang efforts
mo, mas maganda na nakatulong ka na sa mga Filipinong naghahanap ng tamang information, at
natulungan ka rin nila.
Sobrang importante at kapakipakinabang ang information na nakapaloob dito, at madali ngang
mabigyan ng $19 hanggang $27 na price tag ang mismong Ebook, na tanging Chapters 1
hanggang 4 lang ang nakapaloob! Bakit kaya? Ang numero unong dahilan kung kaya
nag-aalangan ang mga Filipino na pumalaot sa IM, ay dahil sa kulang na kulang ang
tumpak na information kung paano kikita at mabilis na mangyari ito.
Kung mag-promote ka ng Ebook na ito ay okey lang din. Siguradong matutuwa pa rin ang taong
nag-introduce sa iyo ng Ebook na ito. Kaso ang habol ko nga ay ang kapakinabangan mo rin.
Ngayon, ang ganitong uri ng collection sa ganitong presyo ay hindi covered ng anumang uri ng
money-back guarantee.
Ano ang ibig sabihin nito?
Ang digital products ay tama lang naman na merong guarantee dahil sa kailangan munang
tumugon ang mga "pangako" ng nag-aalok para maituring na sulit ang pagkakabili.
Pero sa ating sitwasyon, wala naman akong itinago sa iyo. Nababasa mo na ang buong Ebook na
ito. Ganitong-ganito ang kopya na makukuha mo. Ang kaibahan lang, babayaran mo ang iyong
karapatan na mailagay ang PayPal Account mo sa isang libreng Ebook.
Good news din sa iyo ito kung hindi mo pa nahahalata. Bakit kamo? Ibig sabihin nang "walang
money-back guarantee" ay siguradong hindi ka rin pwedeng magbigay n
*******************
Products mula sa Chapter 5:
* Easy Cash Blue Print - Ebook Value: $27.00
* Building the Perfect Mailing List - Ebook Value: $16.00
* NicheSponder - Software Value: $97.00
Automatic List Building:
Sa bawat pagkakataon na merong bumili ng karapatang mailagay ang personal link niya sa
pamamagitan ng Ebook mo, ay magpapadala ang PayPal ng notification sa iyo kasama ang Email
Address niya. Mag-send ka ng personal na pasasalamat sa kanya, at magsimula ng panibagong
mahusay na relationship!
Internet Marketing Training: (Value: $150.00)
May pagkakataon ka at ang iyong mga natulungan na makuha ang subscription sa aking weekly
IM Training Newsletter. Ang material na gamit ko dito ay hindi nagmula sa akin kundi nagmula sa
30+ International IM Gurus, na aking hihimayin at ibabahagi, para sa isang buong taon ng
pag-ambag sa online business ninyo!
*******************
Ang buong product package na ito ay nagkakahalagang $10.00 lang ngayon para sa iyo.
Mabilis na paalala:
1. Alam mo na importante ang information sa Ebook na ito.
2. Natuklasan mo na rin ang iba't-ibang paraan kung paano mo ito maipapamigay.
3. Nakalagay ang aking personal Email Address dito, at ipapaalala ko rin sa lahat ng taong bibili
nito sa pamamagitan ng Ebook mo, na ako ang dapat ma-contact kung magkakaroon man sila ng
problema (na alam kong hindi sila magkakaproblema dahil sa meron akong sariling website na
binabayaran ko).
4. Walang problema kung wala kang sarling website, dahil ako ang mag-host sa Internet kung
saan pwedeng makuha ang Ebook mo.
5. Mapapansin mong ako na rin ang nagpapaliwanag kung paano makatutulong ang information
na nasa Ebook na ito.
6. Ang natitirang gagawin mo na lang, matapos mong makuha ang kopya ng Ebook mo ay
magpamigay nang magpamigay ng libreng Ebook! At siyempre, mag-encash ng income mo!
Ang isa pang good news dito, makakabuo ka na ng relationship sa mga kumuha ng products mula
sa Ebook mo.
Kung gusto mong itanong sa akin, kung ano naman ang mapapala ko sa sistema na ito, na
pinaghirapan ko pang bumuo ng Ebook para kumita ang iba, ang sagot ko ay one word lang:
"Branding."
Hindi ito yung tinatagay ha. Joke...!
Branding ang tawag sa promotion kung saan ang tanging gusto lang ng tao o kumpanya ay
makilala at mapagkatiwalaan.
Hindi ako kakandidato, huwag kang mag-alala. Member ako ng PPCRV sa aming parokya, at ako
ay non- partisan. Ang gusto ko lang ay kilalanin ako bilang tao na matatakbuhan kung kailangan
ng matindi at gumaganang information tungkol sa kung paano kikita sa Internet.
Nakuha ko ang "branding". Natulungan kitang kumita sa Internet. Hindi naman na siguro masama
iyon?
Pagkatapos mong magbayad, makakapag-download ka ng isang manual at naroon ang iyong
personal na link. Ang personal mong link ang siyang nag-iisang link na dapat mong i-promote!
Ilang linggo mula ngayon, baka sabihin mo sa akin:
"Sobrang lupit mo, sonjay!"
Balikan mo na ang button sa itaas, at kunin mo na ang iyong link...!
Bago ko pala malimutan...
Ito ang Advantages ng IM Training Course na kasama dito:
· Ginawa para sa Filipino Internet Marketer
· Makatotohanan. Hindi nangangako nang mabilisang pagyaman, kundi magtuturo sa
iyo ng sistema kung paano kikita. Halimbawa, sa unang linggo mo pa lang ng training
ay may paraan na upang kumita ka na ng mangilan-ngilang $7.00. Mababawi agad ang
investment mo basta sumunod ka sa mga prinsipyo ng training.
· Bago pa lamang ang ganitong pagsasa-Filipino sa salita at diwa ng isang IM Training
Program. Ibig sabihin, masasama ka sa mauunang 100 Filipino na matututo.
· Ang mga sistema at prinsipyo ay subok na. Hindi sa akin nanggaling ito. At mula ang
mga reference material sa mapagkakatiwalaang mga pangalan. Halimbawa, i-Google
mo kung sino sina Harvey Segal, Jeremy Gislason at Simon Hodgkinson. Kaya alam ko
kung ano ang tinutukoy ko.
· Anumang oras ay magagawa mong mag-research sa anumang tutukuyin sa training ko. At
matutuklasan mong tumpak at totoo ang lahat ng ito sa abot ng aking makakaya. Halimbawa,
meron pa bang ibang web site na nagtuturo ng Internet Marketing (ganito kadaming
information) na higit sa 90% ang Filipino ang salita?
· Ang offline training ng iba, kahit sige hanapin mo pa sa Sulit.com, ay sobrang mahal at
kailangan pang magpunta ka sa lugar na gusto nila.
· Bawa't buwan ay makakatanggap ka ng software at ebook na hindi pa nailalabas sa Internet.
Bawa't may matapos ka sa tatlong module ng programa ay may ipagkakaloob na
kapakipakinabang na bonus.
· Ilalagay mo na lang ang iyong pagsisikap sa paggawa ng mga prinsipyong nakapaloob
at pagsunod sa mga sistema
THE END!
1 Comments
Hello 👋
ReplyDelete"Your thoughts and suggestions are welcomed! Your comments are valuable to us. Please share your questions or ideas with us. We will make every effort to respond to you promptly."